Martes, Enero 3, 2017

"One Town, One Product"
  
      Batangas, City

Resulta ng larawan para sa kapeng barako
      Kapeng Barako

Dito sa Batangas kilala at sikat na sikat ang kapeng barako dahil sa angkin nitong sarap. Isa ito sa pinakamasarap na kape sa pilipinas. Kilala ang kapeng ito dahil sa angkin nitong tapang . Una kong naranasan tumikim ng kapeng barako noong akoy grade 6 pa lamang, dahil bumili ang aking ama noong siya ay nagpunta sa batangas city. Noong una ayoko siyang tikman dahil sabi ng pinsan ko mapait daw kaya hindi ako tumikim pero sabi ng papa ko tikman ko daw kasi sobrang sarap daw, kaya yun tumikim ako at nung natikman ko sobrang sarap nga, inaamin ko nung una medyo napaitan ako dahil matang nga ito pero kahit itoy mapait itoy aking nagustuhan. Minsan ginawa ko pa itong ulam sa kanin, dahil sabi ng pinsan ko masarap daw ito iulam sa kanin, kaya tinesting ko at masarap nga ito iulam sa kanin. Kaya hangang ngayun hindi parin ako nagsasawa na uminom ng kapeng barako dahil sa sarap nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento